Tuesday, April 26, 2005

Malawang Magawang Naiisip

Di ko alam kung bakit ako nagpost. siguro dahil wala akong magawa. siguro dahil alam kong ang dami ko pang dapat gawin pero wala akong ganang gawin. di naman marami, actually isa lang. Magpprocess lang naman ako ng emails. Yun lang diba, madali lang kung tutuusin! Hindi! Alam ko yun at alam nating lahat! Mahirap pala eh e bakit nandit pa ako sa trabahong ito! hindi ko alam. kelangan bang may sagot sa lahat ng tanong? kelangan bang may rason sa lahat ng bagay? hnd naman diba.
Ilan na ba ang naprocess nyo? Nakakahiya mang sabihin, lintik na 58 emails pa lang ang naprocess ko! wala talaga akong gana ngayon! dapat nga di ako papasok. dapat magcacall in ako pero naisip ko na baka pagalitan na ako ni miss lyn dahil sa dami ng call in ko! Kaya pinilit ko ang sarili kong lumayo sa aking telepono at huwag tawagan ang workforce. Dinaan ko na lang sa tulog.
Kriiiiiiiiiing! tunog ng alarm kong basag basag na sa khuhulog! madalas kasing nahuhulog ko ito sa twing ginigising niya ako! pano naman kasi, nakakatamad at nakakainis.
Akala ko pagkagising ko, mawawala na ang katmaran kong pumasok. Hindi pala, lalo pang tumindi ito! Akalain mong naisip ko pang mag NCNS na lang. "magreresign ka na rin naman soon!" patawang sabi ng maliit na demonyo sa kaliwang balikat ko. Hinintay kong lumabas ang anghel sa kabilang balikat! ang napapanuod ko kasi sa mga cartoons eh ganun ang laging nangyayari... hintay hintay hintay... walang lumabas! naghintay ako sa anghel kong hindi dumating! napaisip tuloy ako kung sobrang sama ko na ba! syempre wala naman talagang lalabas diba, sabi nga ng com prof ko, figure of speech lang ang mga ito! pawang mga kaartehan lang sa mundo ng pagsusulat!
Kaya nung pumasok ako sa 29th floor at naglogin sa guard, laking gulat ko na lang kung bakit ako nandito! Ang dami dami kong rason para hindi pumasok. ang dali daling magabsent na lang. Ni isang rason para pumasok, wala akong mahanap. Pero uulitin ko, kailangan bang may rason sa lahat ng bagay! kung ang girlfriend ko ang tatanungin ko, sasabihin nun lahat ng bagay may rason! maaring di mo lang nakikita sa ngayon! "Only god knows how", sabing nga ni KidROCK! pero diba meron ding sikat na kanta ngayon na ang title ay "waiting in vain!" Sige na nga, hintay tayo ng rason! bka may dumating. sana di tulad ng anghel na di dumating kanina! "I dont wanna wait in vain!"
"Meron akong food na dala, gusto mo?" alok ni erika sabay kuha ng pagkain sa bag niya! Icing biscuits pala ang mga ito! hindi ko alam ang pangalan pero yun lang ang tawag ko sa kanila. Eto yung maliliit na biscuits na kinakain natin nung tayo ay bata pa habang tumutulo ang sipon! kung tama ang memorya ko na madalas ay hindi, huli kong nakain ito nung nasa elementarya pa lang ako kaya laking tuwa ko na lang ng inalok ako ni erika.
Process ulit ng emails... "Ano ang ibig sabihin ng pope?" biglang tanong ni chito! syempre kami, di na nabigla kasi ganun naman talaga si chito, bigla na lang hihirit out of nowhere... esep esep... as usual, walang nakasagot sa tanong ni chito! "kung nagsimba kayo kahapon ay alam niyo ang sagot"! Aba, nagsermon pa si tatang (quoted from reich)! "Ang pope ay galing sa word na pontifess na ang ibig sabihin ay bridge!" "Whatever!, hirit ni erika"!
Process ulit ng emails... Dumating ang isang IM, "Pre lika dito". ALam k na na si dan ang nagsend dahil sya lang naman ang tumatawag sa aking sa office ng pre! Ako naman, curious kung ano ang ipapakita ni pareng dan! Ahhhh, porn ito malamang! Mali, special video pala ng metallica symphony concert! Opo, ang metallica ay may symphony concert! Natuwa naman ako dahil kung meron mang banda sa mundong ito na hindi mabubura sa isipan ko, ito ay ang Metallica Gods! "Kung gusto mo pre iburn kita" bait tlga ni pareng dan!
Lunch Tym na... Tuwing lunch pagkatapos kumain ay internet time na ito para sa amin! at madalas ang internet time ay blog time! Binuksan ko ang blog ko at nakita kong meron na namang taong nsayang ang oras kacocoment sa mga post ko. "Maganda", ang comment ni Pong. Siguro naman, lahat tayo ay natutuwa tuwing may nagcocoment sa post natin kahit gaano lang to kaikli! Kaya mas naiinspire tayong magblog. hindi kaya yun ang dahilan kung bakit ang haba ng post na ito!
Habang ginagawa ko po ito ay kasalukuyang kumakanta si Pau. SImula na ng concert... Minsan si pau ang kumakanta, minsan naman si mae, minsan si anne, minsan si dan, minsan ako, lahat naman siguro tayo ay may star in a million moment sa opisina! pero pansin ko lately, si lalaine ang sumisikat... siympre twuing may concert, natutuwa ang lahat pati ako! "dO I need a reason" ang madalas na naririnig kong kinakanta ni pau.
Speaking of which, balikan natin ang tanong ko kanina. Kelangan nga bang may rason ang lahat ng bagay? Ano nga ba ang rason kung bakit ako nandito at ginagawa ang post na ito? "UUUUUY, bloging time!" sabi ni mae. "syempre, sabi ko naman"
Ano nga ba ang rason? Kadadaan lang ni pau at syempre msaya na naman siya kaya tawa na naman kami ni erika!
Ano nga ba ang rason? "hala, ano yan! internet" pabirong sabi ni angel!
Ano nga ba ang rason? "Dapat maiyak ako sa post na yan ah" sabi ni reich...
Ano nga ba ang rason? "Guys, pwede mag OT sa saturday" sabi mi mama lynn.
Ano nga ba ang rason? Nakita ko na naman ang bagong hena tatoo ni moe.
Ano nga ba ang rason? nabibilyards na naman si benn. Ano nga ba ang rason? Seryoso na naman si bonn.
Ano nga ba?
Hindi kaya, ang mga ito..

No comments: